• Live Help
  • Forums
  • Help
  • Search
News:

Loading page...

  • Login
  • Signup
  • Blog
  • Photos

scorpion.i.ph

The real me...
Intense and emotionally perceptive. I pick up on unspoken words and speak the language of gesture. Deep, mysterious, and magnetically attractive. I yearn for emotional intimacy. If hurt, I really sting -- and I don't forgive easily

Home » Post Item » Tatlong Sulok (Tatsulok)

Tatlong Sulok (Tatsulok)

April 9, 2009

Dama ni Jordan ang bawat haplos ni Ryan sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan. Wari’y hinihilamos niya si Jordan gamit ang kanyang mainit na dila. Pinapaliguan siya ng halik. Napatingin si Jordan sa labas ng bintana. Madilim ang gabi. Maliwanag ang bilog na buwan ngunit walang mga bituing makikita sa langit. Ilang gabi na ring salat sa bituin ang langit. Marahil ay natatakpan ng mga makakapal na mga ulap. Napatingin siya sa mga mata ni Ryan na noon ay nakapatong na sa kanya at walang humpay sa paghalik at pagkagat ng kanyang mga mapupulang labi. Napaungol siya ng biglang dakmain ni Ryan ang pagitan ng kanyang mga hita. Tinitigan siya ni Ryan ng may pagnanasa. Hindi alam ni Jordan ang kanyang magiging reaksyon. Blanko ang kanyang utak. Ang alam lang niya ay handa siyang ibigay ang lahat para dito.

Ngunit kailangan nga ba ni Ryan ang handa niyang ibigay? Sapat na kaya ito para manatili si Ryan sa kanyang buhay? Ito ang mga bagay na ayaw na lang isipin ni Jordan so as not to spoil their night. Matagal na niyang hinintay ang pagkakataong ito na maangkin niya ang lalakeng matagal na niyang pinapangrap. Pangarap din kaya siya ni Ryan?

Dama na ni Ryan. Malapit na niyang maabot ang langit. Napaungol ito ng malakas habang nararamdaman niyang umaagos na ang ilog ng buhay palabas ng kanyang katawan patungo sa tuyong lambak sa pagitan ng mga dibdib ni Jordan. Bakas sa mukha ni Jordan ang ginhawa pagkatapos hugutin ni Ryan ang kanyang espada mula sa kanya. Napangiti lang siya.

“Magkikita ba tayo bukas?” tanong ni Jordan.


Nagmamdaling tumakbo si Jordan kahit na nahihirapan ito. Ilang minuto na siyang huli sa kanyang first subject. Napuyat siya kagabi at alam niya ang dahilan kung bakit. Ngayon niya iniisip ang mga sinubukan niyang hindi isipin kagabi. Iniisip kaya ngayon ni Ryan ang nangyari sa kanila kagabi? Laro lang ba para sa kanya iyon? Sana ay hindi. Dahil hindi iyon laro para kay Jordan. Para sa kanya, Sex is an expression of Love. And he loves Ryan

“Good Morning, Ma’am.”
“Mr. Villarama, late ka na naman.”
“Sorry po.”

Nakita ni Jordan ang isang babaeng sumenyas sa kanya. Linapitan niya ito at umupo sa kanyang tabi. Hindi siya makaupo ng maayos. Wari’y may pigsa siya sa puwet. Napansin iyon ng babae. Napatingin ito sa kanyang mukha.

“Bakit?” tanong ni Jordan.
“Ano na namang ginawa mo kagabi? Bakit late ka na naman.”
“Wala. Late lang akong natulog.”
“Ows. Late natulog with whom?” ang sabi ng babae na may halong pagbibiro.
“Hay, Julia. Wala ako sa mood ngayon para sa ganyang usapan. Masakit ang ulo ko.”
Tumawa si Julia, “Sigurado ka bang ang ulo lang ang masakit sa ‘yo?”
“Shut up.”
“Fine. By the way, pwede ba kami sa apartment niyo mamaya? Wala ba yung uncle mo?”
“Kayo?”
“Oo.”
“W-wala ata siya.”
“Ata? Bakit parang hindi ka sure?”
“Hindi ko naman kasi kabisado yung schedule nu’n.”
“Ganun. Okay. Basta dun kami ha. May ‘buwisita’ kasi sa bahay mamaya e.”


“Sabi niya hintayin daw natin siya sa cafeteria.”
“Anung oras ba daw siya darating?”
“Sabi niya alas-kwatro lang daw andun na siya e.”
“Tara na. Baka naghihintay na yun.”
Nakayuko si Jordan habang naglalakad silang dalawa ni Julia patungo sa cafeteria. Iniisip pa rin niya ang namagitan sa kanila ni Ryan kagabi. Sinasariwa niya ang bawat haplos at halik na kanilang pinagsaluhan. Nagsimulang tumindig ang nahihimlay niyang pagkalalaki sa pagitan ng kanyang mga hita. Pakiramdam niya ay basa na ito. Ganun katindi ang pagnanasa niya kay Ryan.
“Ayun na siya. Kanina pa siguro siya naghihintay.” Wika ni Julia.
Kinabahan si Jordan. Ni hindi siya makapag-salita. Tumango lang siya.
“Tara na.”
Parang tuta lang na sumunod si Jordan sa pagtawid ng kalye. Nakayuko pa rin siya. Malalim ang iniisip. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso. Mabilis ang pag-agos ng kanyang dugo.

“Maghihintay na lang ako dito sa labas.” Sabi ni Jordan.
“Okay, tawagin ko lang siya.” Pumasok na si Julia sa loob ng cafeteria.
Tahimik na naghihintay si Jordan. Nag-iisip pa rin siya. Napansin niyang ang bawat taong dumadaan sa kanyang harapan ay nakatingin sa kanya. “Nababasa kaya nila ang iniisip ko? Bakit nila ako tinitignan? Alam kaya nila na kagabi, nakatalik ko si Ryan at masaya ako dahil doon? Nababasa kaya nila na mahal na mahal ko siya? Sana ay oo. Para hindi ko na kailangan itago itong nararamdaman ko dahil sawa na ‘kong umiwas. Oo! Tama ang iniisip niyo! Mahal ko siya! Si Ryan na – “
“Jordan, tara na.” Sabi ni Julia sabay kalabit. Napatingin si Jordan sa lalakeng kasama ni Julia.

“Si Ryan na kasintahan ng best friend ko.”


Tuliro si Jordan sa loob ng jeep. Napansin ni Julia na medyo matamlay siya.
“Jordan, are you ok?” tanong ni Julia, “Para kasing may sakit ka.”
“Lovesickness lang yan.” Sagot ni Ryan sabay kindat kay Jordan.
“I’m okay.” Mahinang na sagot ni Jordan.


“Ayos, wala yung uncle mo.” Sabi ni Julia.
Napatango lang si Jordan.
Pumanhik kaagad si Jordan sa itaas ng double bed. Nahiga siya dun. Pagod na pagod siya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Naramdaman niyang pinatay ni Julia ang ilaw. Kadiliman.

Hindi namalayan ni Jordan na nakatulog siya. Nagising na lang siya ng maramdaman niyang yumayanig ang double bed. Ngunit hindi iyon dahil sa lindol. Nasa ibaba sina Ryan at Julia, marahil ay gumagawa na naman ng milagro. Dinig na dinig niya ang bawat ungol ng dalawa. Gumana ang imahinasyon ni Jordan. Siguro ay sa mga panahong iyon, labas-masok na si Ryan (na hubo’t hubad na at pawisan) sa pagitan ng mga hita ni Julia. Basang-basa na si Julia. Nanlilisik na ang kanyang mga mata sa laki ng alaga ni Ryan. Habang iniisip ang mga ito, tumindig na naman ang muscle sa pagitan ni mga hita nito. Umagos sa kanyang katawan ang matinding pagnanasa para kay Ryan. Hindi niya napigilan na hawakan ang kanyang espada. Basa na rin ito. Ibinalot niya ang palad niya dito at nagsimula na rin niyang paligayahin ang sarili.

“Dinilaan ni Ryan ang aking talampakan pataas sa aking hita. Hinahaplos ko ang kanyang malambot na buhok. Ang sarap ng ginagawa niya sa ‘kin. Alam ko rin kasing pinagnanasahan niya ako. Hindi pa man niya nahahawakan ang aking ari ay parang gusto ko ng labasan. Dama ko ang init ng kanyang katawan. Kasing-init ng nagbabagang apoy sa kadiliman ng malamig na gabi. Alam kong sabik din siya na makatalik ulit ako. Alam kong sabik na sabik na din siyang matikman ulit ang aking mga labi. Alam ko yun. Nararamdaman ko. Isinubo niya ang aking ari. Nagulat ako dahil hindi niya iyon ginawa sa aming unang pagtatalik. Sinipsip niya ito na parang candy. Ang sarap. Umungol lang ako ng malakas. Pagkatapos ang tumuwad siya. Inutusan niya ako na pasukin siya. Iyon ang aking ginawa. Ipinaubaya niya sa akin ang kanyang sarili. Sana ay hindi na magwakas ang gabi. Ito lang ang nalalaman kong paraan para maipakita kong mahal ko siya. Mahal ko si Ryan. Sana ay ganoon din ang nararamdaman niya para sa ‘kin.”

Nanlisik ang mga mata ni Jordan. Kalangitan.


“You’re always late!”
“Oo nga e. Di ako nakatulog ng maayos kagabi.”
“May assignment ka na ba niyan para sa next subject?”
“Shit! Oo nga pala! Wala pa! Nakalimutan ko! Panu yan! I can’t afford to have a zero in my grades! Scholar ako!”
“O, heto, ginawan kita.” Iniabot ni Julia ang assignment sa kanya.
“Julia! Salamat!” pasalamat ni Jordan sabay yakap kay Julia.
“Okay lang. Best friend mo ko di ba?” sabi ni Julia sabay ngiti.
“Salamat talaga, Julia.”
Katahimikan.
Napatitig si Jordan sa mga mata ni Julia. Nagbalik ang mga alaala dalawang taon na ang nakalilipas.


“Nagtext si Tito. Di daw siya uuwi tonight.”
“Talaga!? Pahiram naman ng susi ng apartment niyo?”
“Bakit?”
“Basta. Sige na. You trust me naman di ba?”

Gabi na ‘ko nun nakauwi. Ang dami ko kasing ginagawang projects. Pagod na pagod ako. Halos wala na nga akong lakas para makapaglakad. Iniwang bukas ang gate ng apartment. Pumasok ako. Kakatok na sana ako ng makita kong hindi pala naka-lock ang pinto. Inilapat ko ang aking kaliwang tenga sa pinto. Tahimik sa loob. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Tumambad sa ‘kin ang isang pangyayaring hindi ko malilimutan.


“Jordz, mahal ko si Jed. Handa akong ibigay ang lahat sa kanya. Hindi ko kakayanin pag nawala pa siya sa ‘kin.”
“Sigurado ka bang mahal ka niya? I mean, sigurado ka bang hindi lang ikaw ang nag-iinvest ng love sa relationship niyo?”
“Oo. Mahal niya ko. Lagi niya yung sinasabi sa ‘kin. Mahal na mahal daw niya ako.”
“But still, be careful First boyfriend mo siya di ba? Wag ka muna masyadong magtiwala.”
“Sigurado ako, Jordan. Sigurado na ‘ko.”

Ang sabi mo, Julia, sigurado kang hindi ka niya sasaktan.
Naniwala ako. Sana nga.


Kitang-kita ko ang lahat. Nakahiga sa kama si Julia, hubo’t hubad. Nasa ibabaw niya si Jed, naka-T-shirt lang, walang pang-ibaba. Napalingon sa ‘kin si Jed. Gulat na gulat siya. Kaagad siyang tumayo at tumakbo papuntang banyo. Napaupo si Julia. Nakatitig siya sa ‘kin. Sa una’y hindi namin alam pareho ang aming magiging reaksyon. Kitang-kita ko. Duguan ang pagitan ng kanyang mga hita pati ang kanyang mga daliri. May mga bloodstains din sa kama. Nginitian ako ni Julia, pagkatapos ay bigla siyang tumawa ng malakas. Hindi ko pa rin alam kung pano ako magrereact.
“Tumayo ka na diyan. Pumunta ka ng banyo at maglinis. Ako ng bahala dito. Ipapalaundry ko na lang. Bilisan mo. Maglinis ka na dun. Tanggalin mo lahat ng dugo. Magsabon ka. Bilisan mo.”
Yinakap ako ni Julia at hinalikan sa pisngi. She started sobbing.
“Jordz, mahal ko si Jed.” Bulong niya.
“Maglinis ka na dun. Pag-uwi mo, magdasal ka. Ihahatid kita.”

Inihatid ko si Julia pauwi. Lumipas ang mga gabi pagkatapos ng gabing iyon, nag-umpisang maglaho sa buhay niya si Jed.


May natanggap akong text message mula sa isang kaibigan ni Julia. Nagmadali akong hanapin siya. Alam ko kung nasaan siya.

“Jed! Lumabas ka diyan!” sigaw ni Julia, “Harapin mo ‘ko!”
Bumuhos ang malakas na ulan. Ngunit hindi natinag si Julia, “Jed! Hindi ako aalis dito hangga’t hindi tayo nag-uusap! Jed!”
Isang mataba na matandang babae ang lumabas sa bahay, galit na galit. Hinarap niya si Julia at sinampal ito ng dalawang beses sa magkabilang pisngi.
“Hoy Malanding babae! Wag ka ngang mag-eskandalo dito!”
“Si Jed po, gusto kong makausap si Jed.’
“Wala siya dito kaya umalis ka na!”
“Hindi. Alam ko pong nandiyan siya,” Lumuhod sa harapan niya si Julia, “Nagmamakaawa po ako. Gusto kong makausap si Jed. Kahit sandali lang po.”
Umismid lang ang matandang babae at bumalik sa loob ng malaking bahay. Linapitan ko si Julia.
“Julia, halika na.” Pinatayo ko siya mula sa pagkakaluhod. Yinakap ko siya.
Tahimik na nakayuko si Julia nang bigla siyang magsalita.
“Jordan, help me.”
“What do you mean?”
“Tulungan mo ‘kong maghiganti. Magbabayad sila.”
“Julia, please, that’s enough. You’re putting your life in a complete mess!”
“No. I’ve gone this far. I won’t stop. I’ll ruin their life like what they did to mine.”

Nagumpisa ng magbago si Julia. Natuto na siyang makipaglaro. I’ve seen her have sex in bars, in public comfort rooms. Nawala na ang maamong Julia. Ang matinding pagnanasa niya na makaganti ang nagbago sa kanya. It transformed her into a heartless monster. Isang walang hiyang halimaw na hayok sa laman. Naghasik ng kanyang lagim si Julia…
Hanggang sa makilala niya si John Christopher Diaz.
“Oo. Oo. Mahal ko siya pero natatakot ako. Alam mo naman siguro yung pakiramdam na yun di ba? Yung gusto mong umoo pero pinipigilan ka ng takot mo na baka paglaruan ka lang niya at pag nakuha na niya ang gusto niya sa ‘yo ay iiwan ka na. Natatakot ako at mas malakas ang takot ko kaysa sa nararamdaman kong pag-ibig para sa kanya.”
“Julia, bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon?”
“Jordz, ang pagkakataon kapag naibigay na, hindi na pwedeng bawiin. Dalawa lang naman ang pwedeng kahantungan niyan, it’s either sasaktan niya ako or hindi.’
“Then why don’t you take the risk?”
“Because I’m afraid I might get hurt again. I don’t want to make the same mistake again.”

Ilang buwang linigawan ni John Christopher si Julia. Kitang-kita ko naman ang tindi ng pagmamahal ng lalake sa kaibigan ko, ngunit matigas talaga si Julia. Nagdaan pa ang mga araw, lalong nahirapan ang dalawa. Mahal nila ang isa’t isa ngunit ang takot ni Julia ang tanging humahadlang sa kanila.

Nagulat na lang ako isang araw sa narinig kong balita: Nagpakamatay si John Christopher.

Ilang araw ding takot na takot at nagdalamhati si Julia. Alam kasi niyang siya ang dahilan ng pagpapatiwakal ni John Christopher. Nag-iwan din ng suicidal note ang lalaki. Nang malaman ng pamilya ni Diaz ang dahilan kung bakit nagpakamatay ito, dali-dali nilang sinugod si Julia sa school at sinaktan. Hindi na nanlaban si Julia. Hindi rin siya umiyak. Pagod na siya. Sawa na siya.

“Jordan, I’ve learned that life is harsh. Kung mahina ka, mas mabuti pang magpakamatay ka na lang. Sinabi ko sa kanya na hintayin niya ako hanggang sa mawala na yung takot sa puso ko. Pero hindi siya nakapaghintay. Nagmamadali kasi siya. Hindi man lang niya nalaman na mahal ko din siya at takot lang ako. Mahina ako. All this time, I thought I’ve grown stronger. I was wrong. I’ve become weaker. Natakot ako na baka masaktan ulit ako. Kasalanan ko ito. Siguro I don’t deserve to love and be loved. Laging may masamang nangyayari pag nagmamahal ako.”


Matiyagang naghihintay si Jordan sa tapat ng gate ng school. Iniisip niya ang sinabi sa kanya ni Julia kanina.

‘Jordz, I want to correct my past mistakes. Mahal ko si Ryan. At ayokong mangibabaw muli ang takot ko. Kung sasaktan niya ko, saktan niya ko. I’m tired. Siguro I just have to keep on accepting every single thing that life has for me.”

Mahal ni Julia si Ryan. Mahal ni Jordan si Ryan. Boyfriend ni Julia si Ryan. Best friend ni Jordan si Julia. Nahihirapan si Jordan sa sitwasyon niya, ngunit alam niya ang dapat niyang gawin. Kailangan na niyang tumigil. Mas matimbang si Julia. Madami na silang pinagsamahan at hindi siya papayag na sirain lang ng isang lalaki ang lahat. Tama. Tatapusin na ni Jordan ang lahat ng meron sila ni Ryan.

Naupo si Jordan sa kama ni Ryan. Iyon ang parehong kama kung saan sila unang nagtalik. Bumabalik kay Jordan ang mga alaala. Ang amoy ni Ryan, ang banayad niyang mga haplos, ang tamis ng kanyang mga halik, ang sarap na dulot nito sa kanya.

“Bakit ang tahimik mo?” tanong ni Ryan.
Wari’y bumalik sa kamalayan nito si Jordan.
“Ha? W-wala.” Sagot nito. Naupo sa tabi niya si Ryan at niyakap siya.
Tinanggal ni Jordan ang mga kamay ni Ryan mula sa pagkakabigkis ng mga ito sa kanyang mga balikat.
“Ano bang problema, Jordan?”
“Ryan, sorry, hindi ko na kaya. Hindi na maatim ng konsensya ko ang ginagawa natin. Alam mo naman best friend ko si Julia di ba? At… At mahal ka niya – “
“Ikaw ang mahal ko.” Sagot ni Ryan.
Nagulat si Jordan sa narinig, “Anong sabi mo?”
“Jordan, I love you. You remind me of someone. Parehong-pareho kayo. Delicate. Sensitive. But I love you not because I see him in you. Tinuruan mo ‘ko kung pa’no magmahal muli..”
Hindi nakapagsalita si Jordan. Kalahati ng katauhan niya ay masaya ngunit ang kalahati ay nagdududa. Kakasabi pa lang ni Ryan. Mahal niya ito. Kung nagsasabi man ito ng totoo, ibig sabihin ay pareho sila ng nararamdamn para sa isa’t isa. They could have lived happily ever after. Pero may isang malaking problema. Si Julia.
Muling nagdampi ang mga labi ni Jordan at Ryan. Hindi na napigilan ni Jordan ang mga sumunod na pangyayari.

Nahiga sa dibdib ni Ryan si Jordan, hinihingal at pagod na pagod. Tahimik ang paligid. Napatingin sa labas ng bintana si Jordan. Nakita niya ang langit. Wala pa ring mga bituin. Nagtatago pa rin sila tulad nilang dalawa ni Ryan. Nagtatago sa maliit na kwartong iyon.
“Ryan, pa’no si Julia? Mahal ka niya.”
Natawa si Ryan.
“Bakit ka natawa?”
“Wala, may naalala lang ako.”
“Ano yun?”
“Something that happened a year ago.”
“What was it?”
“Basta.”
Napatingin si Jordan kay Ryan.
“Wait. Ano bang koneksyon nu’n?” Tanong ni Jordan.
“Malaki.” Sagot ni Ryan.

‘Kuya’ ang sinabing itawag ko sa kanya ng aming mga magulang. Magkapatid daw kasi kami at mas matanda siya. Kailangan ko din daw siyang mahalin at irespeto dahil kuya ko siya. Yun ang ginawa ko. Minahal ko si kuya. Ibang klaseng pagmamahal. Nagugulat na lang ako sa sarili ko sa mga ginagawa ko para maipakita kong mahal ko siya. Kapag tulog si kuya, yinayakap ko siya ng mahigpit at hinahalik-halikan sa labi. Habang naglalakbay ang aking mga kamay sa buong katawan niya, may nakapa ako sa pagitan ng kanyang mga hita. Ang sabi ng mga kalaro ko, yun daw ang ari ng kuya ko. Gabi-gabi ko iyong pinaglalaruan. Nang minsang linaro ko iyon, narinig kong umungol si kuya. Natakot ako, baka nasaktan ko siya. Nagising siya. Itinulak niya ako.

“Ryan! Anong ginagawa mo?!”
“Minamahal kita tulad ng sabi ni Mommy.”
“Hindi ganyan ang ibig sabihin ni Mommy.”
“Bakit kuya? Mali ba ‘ko?”
“Oo! Magkapatid tayo, at isa pa, lalake tayong pareho.”
“E anong masama dun? Hindi ba pwedeng magmahalan ang parehong lalake?”

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, kinimkim ko na lang ang nararamdaman ko para kay kuya hanggang sa lumaki ako at namulat sa kasinungalingang ‘ang lalaki ay para lang sa babae’. Naintindihan ko na si Kuya. He’s just following the norms of this society. Naintindihan ko na kung bakit nasabi niyang hindi kami pwedeng magmahalan. Pero mahal ko pa rin siya. Hindi yun nawala.

Sabay kaming lumaki ni kuya. Maraming nagbago sa paglaki namin. Noon, sabay kami halos sa lahat ng ginagawa namin: gumising sa umaga, kumain, maligo, pumasok sa school at matulog. Ngunit ngayon, hindi na. Binata na daw kasi kami at may kanya-kanya ng mga buhay. Sinubukan kong maging normal. Nagmahal ako ng mga babae para makalimutan ko ang nararamdaman ko para kay kuya. Pero wala e. Wala pa ring nagbago. Hindi ko makalimutan si Kuya. Mahal ko pa rin siya. Mas matindi nga lang ngayon.

Isang gabi, umuwing masaya si Kuya. Masaya din ako siyempre. Tinanong ko siya kung bakit siya masaya. Ang sabi niya, may nakilala daw siya. Babae. Type daw niya. Liligawan daw niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Siguro ay kailangan ko na lang maging masaya para sa kanya.

Kitang-kita ko. Mahal na mahal ni Kuya ang babae. Araw-araw, pinupuntahan niya ito at binibigyan ng mga bulaklak, isang bagay na hindi pa ginagawa sa ‘kin ni Kuya. Oo, nagseselos ako. Pero alam kong hindi ako ang makakapagpasaya kay kuya. Hinayaan ko na lang. Lilipas din ito.

Hindi nawalan ng pag-asa si Kuya na mapasagot yung babae. Patuloy parin siya sa panliligaw. Ilang buwan din yun hanggang sa isang gabi, umuwi si Kuya. Blanko ang mukha. Matamlay. Mangiyak-ngiyak.

Kaagad siyang umakyat sa kwarto namin. Hindi na siya kumain. Hindi rin siya lumabas sa loob. Nagtaka ako. Hindi naman ganoon dati si Kuya. Dapat ngayon ay naglalaro na siya ng PS2 sa may sala. I went upstairs to check him out and to see if he’s ok.

Naka-lock ang pinto. Kumatok ako. Walang sumasagot. Bumaba ulit ako para kunin sa kusina yung susi sa kwarto. Pagkakuha ko ay umakyat kaagad ako. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nakita ko si kuya. Gamit ang isang lubid na nakatali sa isang bakal sa kisame ng kwarto, nagbigti siya. Napaluhod ako. Sa paanan niya, nakita ko ang isang piraso ng papel:

“Isang gabi, umuwi ako na may ngiti sa aking mga labi. Nakita ko na siya. Ang babaeng hinahanap ko. Ilang buwan akong nagtiyaga upang mapaibig ko siya, nagbakasakaling mahalin din niya ako. Ngayong gabi, umuwi ako na may mga luha sa aking mga mata. Habambuhay kong dadalhin ang kalungkutan na aking nadarama. Sinabi niya na hintayin ko daw siya. Hihintayin ko na lang siya sa langit.”

Sinumpa ko ng gabing iyon. Ipaghihiganti ko siya. Ipaghihiganti ko si Kuya JC. Ipaghihiganti ko siya.


Napaupo si Jordan, “JC?” takot na tanong niya.
“Oo, JC. John Christopher.”
“John Christopher Diaz? S-siya ang kuya mo?”
“Oo, at ang babaeng tinutukoy ko ay si – “
“Si Julia…” Naisip ni Jordan, “Kaya pala…”

“Jordz, kanina, may guy akong nakilala. Kamukhang kamukha siya ni John Christopher. Siya na siguro ang tutulong sa ‘kin para itama ang mga pagkakamali ko. Sana siya na nga.”

“Tama.”
“Ryan, a-anong gagawin mo sa kanya? A-anong balak mo?” Nanginginig ang boses ni Jordan.
“Simple lang. Buhay ang inutang niya, buhay niya ang kabayaran.” May kinapa si Ryan sa ilalim ng unan. Isang baril.
“Ryan, wag. Parang awa mo na. Hindi mo naiinitindihan.” Nagpapanic na si Jordan.
“Naiintindihan ko, Jordan. Hayop si Julia. Hayop siya. Isa siyang halimaw.”
“Nagkakamali ka. Minahal ni Julia si John Christopher!”
“Minahal!? Labis niyang sinaktan ang kuya ko!”
“Ryan, please calm down,” naiyak sa takot si Jordan, “Mag-usap kayo ni Julia. Wag mong idaan sa dahas ang lahat!”
“Wala na kaming dapat pag-usapan. Matagal ko ng pinlano ang lahat.” Yinakap ni Ryan si Jordan, “Mahal ko, tulungan mo ‘ko. Tulungan mo ‘kong magtupad ang misyon ko. Patayin natin si Julia, at pagkatapos, habambuhay tayong mabubuhay ng masaya.”
Naglapat ang kanilang mga labi.


Umupo si Jordan sa tabi ni Julia. Tahimik lang siya. Walang imik.
“Jordan, napansin ko lang ha. Bakit tahimik kaya these past few days?”
“H-ha? W-wala.”
“Alam ko may problema ka, Jordan. Best friend mo ‘ko. Sabihin mo sa ‘kin. Baka makatulong ako ‘di ba.”
“Uhm, Julia, pwede ka ba mamaya?”
“Mamaya? Saan tayo pupunta?”
“Basta.”
“O sige, hindi naman kami magkikita ni Ryan e.”
Kinabahan si Jordan. Nanlamig ang kanyang mga kamay.

“Bukas ng hapon, dalhin mo si Julia dito. Pagkatapos ay umuwi ka na. Ako nang bahala sa kanya.”

Alas-kwatro na ng hapon. Mabilis ang pintig ng puso ni Jordan habang naghihintay siya sa labas ng classroom ni Julia. Pinagpapawisan na siya.

Nang lumabas si Julia, kaagad nitong hinila ang kamay niya.
“Hey! Jordan! Ano bang nangyayari sa ‘yo!?”
“S-sorry. Tara na.”
“Teka, san ba talaga tayo pupunta?”
“Pupunta tayo kina Ryan.”

Sumakay sa taxi sina Jordan at Julia. Hindi mapakali si Jordan.
“Saan tayo?” tanong ng driver.
Sumagot si Jordan.
“Huh? Bakit dun? Kala ko ba pupunta tayo kina Ryan?”
“May kailangan muna tayong pag-usapan, Julia. Ihanda mo na ang sarili mo. May mga sasabihin akong ikagugulat mo. Buhay nating dalawa ang nakataya dito.”

Pumasok sa loob ng apartment sina Julia at Jordan. Mabilis na itinulak ni Julia si Jordan sa kama. Napaupo si Jordan.
“Now tell me, anong problema?”
“J-Julia. Natatakot ako.”
“Bakit? Anong ikinatatakot mo?”
“Kagabi, nasa bahay ako nina Ryan –“
“Anong ginagawa mo dun?”
“Julia. I’m having an affair with Ryan.”
“Oh my God, Jordan. H-How c-could you – “
“Please listen to me, Julia. May mas malaki tayong problema.”
“What do you mean? Why are you panicking?!”
“Okay,” Sinusubukang pakalmahin ni Jordan ang sarili, “Ano ang complete name ni Ryan?”
“Ryan Jeffrey…Diaz! Yeah. Ryan Jeffrey Diaz! So? Anong gusto mong iparating?”
Isang malakas na kalabog ang narinig ng dalawa sa labas ng apartment.
“Julia, magtago ka sa CR! Bilis!”
“Jordan! Tell me, What is happening!?”
“Magtago ka muna! Ipapaliwanag ko mamaya!”
Tumakbo si Julia papunta ng banyo. Nang makasigurado na si Jordan nakapagtago na si Julia, binuksan niya ang pinto. Tumambad sa kanya si Ryan na may dalang baril.
“R-Ryan? B-Bakit nandito ka?” Takot na sabi ni Jordan.
“Alam mo kung bakit nandito ako, Jordan. Nasaan na si Julia? ‘Di ba sinabi ko sayo na dalhin mo siya sa bahay!?”
“W-Wala siya dito. Hindi kami nagkita kanina sa school.”
“Sinungaling. Nasaan si Julia!” Sigaw ni Ryan.
“W-Wala siya dito! Ibaba mo nga yang baril mo! Baka may makakita sa ‘yo!”
Sapilitang pumasok sa loob ng apartment si Ryan.
“Julia! Lumabas ka na! Alam kong nandito ka! Wag ka ng magtago!”
Narinig ni Jordan na bumukas ang pinto ng banyo.
“Julia, wag! Papatayin ka niya!”
Sinapak ni Ryan si Jordan gamit ang baril. Napaupo sa sahig si Jordan. Dumudugo ang kanyang noo.
“R-Ryan, bakit? Bakit kailangan mo pang manakit? Itigil mo na yan! Walang mabuting maidudulot ang paghihiganti mo!”
Lumabas mula sa banyo si Julia. Nakita siya ni Ryan.
“R-Ryan!? Bakit may hawak kang baril?”
“Yes, I’m Ryan Jeffrey Diaz. Kapatid ni John Christopher Diaz. Sounds familiar?”
“J-John Christopher? K-Kapatid mo si JC?”
“You’re damn right!” sigaw ni Ryan, “Kapatid ko ang lalaking pinatay mo!”
“Hindi ko siya pinatay! Minahal ko siya! Minahal ko si JC!”
“Sinungaling!” Pinaputok ni Ryan ang baril. Nagulat si Jordan at Julia. Napaluhod si Julia.
“Ryan, itigil mo na toh. Patawarin mo ‘ko. Minahal ko ang kuya mo. Hindi lang siya nakapaghintay.”
“Wala kang alam, Julia. Hindi mo alam kung anong klaseng lungkot ang dinamdam niya. Hindi mo rin alam kung ga’no ko siya kamahal at kung ano ang kaya kong gawin para sa kanya. Siya lang ang taong minahal ko ng ganito. Siya lang, pero pinatay mo siya!”
Isa pang putok ng baril.
“Ryan, patawarin mo ‘ko. Ayoko pang mamatay.” Iyak ni Julia.
“Bakit? Nang si kuya ba ang nagmakaawa sa ‘yo pinagbigyan mo siya!? Hindi! May limang bala ang baril na ‘to. Nagamit ko na ang una at ikalawa. Para sa ‘yo ang ikatlong bala, Julia.”
Itinutok ni Ryan ang baril kay Julia.
“Wag, Ryan. Please.”
Biglang inagaw ni Jordan ang baril kay Ryan. Nag-agawan sila sa baril hanggang sa isang putok ang umalingawngaw. Napasigaw si Julia. Natigilan sina Jordan at Ryan.

Bumagsak sa sahig si Ryan. Naiwang nakatayo si Jordan. Duguan.

“J-Jordan,” bulong ni Julia sa sarili.
“Julia, mahal ko si Ryan. Patawarin mo ‘ko.”
Tumayo si Julia at yinakap si Jordan.
“Naiintindihan kita. Tama na ang karahasan, Jordz. Pagod na ‘ko. Tara na umalis na tay – “

Umalingawngaw ang ikaapat ng putok.
“J-Jordan…B-bakit?”

Bumagsak si Julia.

“Patawarin mo ‘ko, Julia.” Pumatak ang mga luha mula sa mga mata ni Jordan. Napaluhod siya sa tabi ng patay na katawan ni Ryan, “Ikaw. Mahal na mahal kita. Hindi mo alam kung ga’no mo ‘ko napasaya ng sabihin mong mahal mo din ako. Hintayin mo ‘ko dun sa langit. Darating ako. Natupad ko na ang pangarap mo. Nagtagumpay tayo. Handa akong isakripisyo ang lahat para sa ‘yo. Kahit ang matalik ko pang kaibigan. Ang sabi ng aking Ina, masama raw magmahal ng labis. Hindi ako naniniwala. Sa pagmamahal ng labis tayo nakakahanap ng kalayaan. Ngayon, masasabi kong malaya na ako. Malaya na tayo mula sa pagkakakulong natin sa madilim na kwartong iyon. Malaya na ang ating mga kaluluwa. Malaya na tayong tatlo. Oras na para buuin ang tatsulok.”

Itinutok ni Jordan ang baril sa kanyang bunganga.

Umalingawngaw ang ikalimang putok.

fiction


Share and Enjoy:
  • del.icio.us

Posted by scorpion at 4:07 pm | permalink

Add a comment








 
 

:::MaGhAnAp

     

April 2009
M T W T F S S
« Apr   Dec »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

:::eMaiL

Monthly Archives

  • September 2010
  • July 2010
  • January 2010
  • December 2009
  • April 2009

:::TaG cLoUd

against all odds ang kalupi apoy article bisexuality bottom Brokeback Mountain call center agent Da Vinci Code DEAL OR NO DEAL duda(doubt) famous break up lines fiction first post formula 17 inday jokes inlove jokes literature love hurts love personal love story lyrics movies perhaps love personal poetry richard glover sa aking pag iisa sa baguio scorpio characteristics short stories Sosyal Na Si Inday the devil wears prada top trip ng addict versatile

:::Me,mYseLf,& I

Intense and emotionally perceptive. I pick up on unspoken words and speak the language of gesture. Deep, mysterious, and magnetically attractive. I yearn for emotional intimacy. If hurt, I really sting -- and I don't forgive easily! Quality: Fixed Body Parts: sex organs Keyword: SEX Where I glow: investigating What makes me tick: chess Fitness forecast: sex Best accessory: magnifying glass A sure thing: magnetism Pleasure: mystery, calling the shots, passion Pain: exposure, simplicity, interruption What's my line? Yeah, Baby!

Lusty me! The Sign of Sex -- the escapades, the seduction, the mysterious stranger in red and black. Yes, I’m intense and passionate, amorous and sometimes secretive. I wrap my sensuality around me.-- it envelopes my every move. My sensuality courses through me, like an electric current. While it seems as if I can't help but exude sexual energy, there's a softer side of me. I can be emotional and a loyal friend. I don't go for the musky perfumes. channel my sly charm to energize those around me, letting the world in on the biggest secret of mine. You shouldn't take you lightly. You shouldn't take me lightly, either. There's no fluff or chatter for me, either. I’m concern myself with beginnings and endings, and are unafraid of either. The curiosity of mine is immeasurable, which may be why I’m such adept investigators. I love to probe and know how to get to the bottom of things. The fact that I have a keen sense of intuition certainly helps. Who I'd like to meet: The mysterious “ME” may turn out to be the best friend you've ever had -- or your worst enemy. The first rule of friendship with a me is that I never, ever cross my friends. My sting is strong, and I never forget a wrong done to them. That said, it's fairly easy to keep my friendship intact, and, as soon as I prove that I’m worthy of your devotion, I will be a loyal comrade. You will never know what is on their mind, and you may not have any idea where you stand with me, but my secrets will always fascinate you. I don’t have too many friends, but I hold on tight to the ones they do. Friendship is not the most important thing in my lives, but I will stay true to a long-term companion. I will gladly give you the shirt off my back if you need it, but you may get the slightest inkling that they have an ulterior motive for doing so. Friendship with the me will always be full of surprises.

 

 

:::Latest Items

  • Broken-Heart Devastated In Love Looking For Broken Heart Remedy
  • Difference Between Love and Infatuation
  • The Missing Rib
  • The Ring
  • A Tragic Love Story (Let me Love You)
  • A Silent Love (A Sweet Love Story)
  • The Judgement (A nice Story)
  • ORPHAN
  • Tatlong Sulok (Tatsulok)
  • Asawa Ni Pinsan
  • Inlove ka ba? Mahal mo nga ba siya? Isipin mo?
  • Ang Kalupi By Benjamin Pascual
  • Call Center Agent
  • Top, Bottom or Versatile?
  • Perhaps Love by John Denver
  • Against All Odds
  • Sa Aking Pag-iisa
  • Formula 17
  • APOY
  • Classy things to say when stressed

Most Popular

  • Sa SuLok (mAikLiNg KwEntO) (58529)
  • Ang Kalupi By Benjamin Pascual (27793)
  • scorpio characteristics (4894)
  • Inlove ka ba? Mahal mo nga ba siya? Isipin mo? (1854)
  • Sosyal Na Si Inday (1800)
  • Sa Aking Pag-iisa (1567)
  • Call Center Agent (1475)
  • Asawa Ni Pinsan (1168)
  • APOY (1134)
  • Duda(Doubt) (976)
  • Why does love really hurts? (912)
  • Top, Bottom or Versatile? (902)
  • Ano ba talaga ha??? (875)
  • trip trip lang! (816)
  • Tatlong Sulok (Tatsulok) (812)
  • Sa BaGuiO… MaSaya NaMan! (799)
  • Formula 17 (701)
  • Perhaps Love by John Denver (586)
  • Against All Odds (565)
  • Deal Or No Deal (Fearturing Inday) (529)
  • Classy things to say when stressed (512)
  • Brokeback Mountain (486)
  • The Devil Wears Prada (466)
  • The Da Vinci Code (457)
  • Knack-Nickers, Unite! (430)
  • A Tragic Love Story (Let me Love You) (242)
  • A Silent Love (A Sweet Love Story) (206)
  • ORPHAN (188)
  • The Missing Rib (163)
  • The Judgement (A nice Story) (144)

    

PiKtyUr

    

Recommendations

MyBlogLog

WidgetBox

:::My Links

  • CalliopeBlogs
  • www.benchtm.com
  • www.be-human.com
  • http://www.allaboutgod.com/da-vinci-code-truth.htm
  • www.penster.fyi.ph
  • http://earthwill-scorpion.blogspot.com

Subscribe

Technorati
Bloglines

:::KoMeNts Mo diTo

  • monique maylas: grabe.. this story really touched my heart.. sometimes nagiging judgemental tau dahil sa physical appearance ng isang tao.. matanong ko lang po, is mr. benjamin pascual still alive..?...
  • john william soria: HaLa uIe pGkALuOy sA BTa........................... GiRiNg pOd nAnG mArTa.hA NgAnU LgInG WlA MaN NiyA GCgUrO DaAn nAnG IYaNg mGa gAmIt....... kLuOy sA InOcNtnG BaTa!!!!!...
  • jared: MaikLiNg kwEnTo baH toH?...
  • fhamiel: magulo ang kwento pero naunawaan ko maganda sana pero bitin humuhukay sa emosyonal na damdamin pero may kulang......
  • nIc0l3...!: lovely.... ...
  • kelly artamisa: try this site.click on your address bar..http://ang-tambayani-juan .blogspot.com/ for short stories I find it very interesting. or search it on facebook fanpage ang tambayan ni juan...
  • joy: luv it!...
  • ALMAMEADOWS21: Set your own life time easier get the loans and all you require....
  • umi: ...Kahit ano pa ang pananaw ng iba’t ibang dalubhasa sa pag-aanalisa tungkol sa usapin sa pagiging ina. Mahirap maintindihan ang kahulugan nito... anong pananaw? dalubhasa saan? sa pag-aanalisa? ano ba ang...
  • jasminsacha: anu ang tema ng kwentong ito ?...
  • GIL P.DELA CRUZ JR.: ANG GANDA NG KWENTO MO? DAHIL NAPASA KO ANG PROJECT KO DAHIL SA KWENTO MO....
  • klaire: vjbfhjvbjdkbjfkvdjx...
  • kiara: cenxia na boring basahin...
  • toscka: that's so me.....
  • +_honey_+: cno author nito??..ito nlng gamitin ko sa project namin huh??..anong nonsense>>??,,ka cool nito ahhh..mai ganyan man talaga na mga story,binibigyan nila ng chance ang mga readers na mag create ng...
  • ulysis: kantotan tayo lol fuck you NOOB...
  • ulysis: fuck you kijuray buntagay...
  • kharen: confusing…hmmp..nice sana kya lng..i think kulang ung terms or phrases na mkakatulong 2 get the thought of the story.....
  • kharen: confusing...hmmp..nice sana kya lng..i think ung terms or phrases na mkakatulong 2 get the thought of the story.....
  • mhadz: cno po author nito? salamat po nid lng pti talambuhay ng author... tnx...
  • kirby: hahahaha!!!! sosyal pati si dodong at si manong basurero nag level up na! ahahaha :))...
  • Jestoni: I Love this poem, because it is a reality.....
  • khevo: ate kunin kuh poh huh?! maipasa sa proj. la hirap kxeng gumwa eh tnx......
  • daryl: totoo ngang ang ina talaga ang ina ay sadyang mapagmahal sa kanyang anak walang inaaksayang panahon ang kanyang ginugugul sa pag aalaga sa kanyang mga anak, nagustuhan ko ang kwentong ginawa...
  • Angel: w0w ang galing naman.. ang ikli ikli naman.... bagay sa pangalang maikling kwento!!!!!...
  • khim: ano po pangalan ng author nag kwentong ito...
  • mcdo: bwisit naman oh!....magpakit ka na benjamin pascual!....kailangan ka namin sa proj!...salamat!.....
  • kolob: hahah....nyc...pero hindi nyo ba nakita na yan ang status ng pamumuhay ng mga tao sa pilipinas? nangangahulugan lang ito na ang mga tao sa pilipinas ay hanggang sa pagiging katulong...
  • ronaldviola: astig ka kung sino ka man...
  • cristine: what a nyc story.....dpat huwag kang padalos dalos sa ayong desisyon.huwag mapang husga........

:::Chika tayo dito!

karmsundbk:

thanks….. :)

used stationary bikes:

nice blog boss…

indonesia furniture handicraft wholesale marketplace:

Do not forget to always visit the Indonesia furnitur

Pacquiao vs Mayweather:

Pacquiao vs Mayweather Fight, News and Updates

kiara:

i love kevin jadormeo

kiara:

hai

kiara:

i love u ol spyderz and jam-g group

kiara:

i love u oll spyderz

jhOy:

i lovE yoU kEvIn!!! ♥

ahm:

hi

ahm:

i

tina:

love you dagul

tina:

low din

tina:

zzzzzzzzzzz………..nice

niÑa:

haba nia pEo aNg gaNda..kakaiYak..kEep uP!!

niÑa:

nyC stOry ^^..maRaMi aNg naMaMaTay saH maLiNg aKaLa..haHa..

niÑa:

nyC stOry..^^..maRami aNg naMaMaTay saH maLiNg akaLa..haHa..

macky:

lrht;sjk;lhj;lmgl.b,bmnchsduopghnftrhj,

aries:

add nyo ko sa facebook
rr_delacruz2009@yahoo.com

aries:

hellow kay mr.handsome28

Leave a message ▼