Intense and emotionally perceptive. I pick up on unspoken words and speak the language of gesture. Deep, mysterious, and magnetically attractive. I yearn for emotional intimacy. If hurt, I really sting -- and I don't forgive easily
Inlove ka ba? Mahal mo nga ba siya? Isipin mo?
April 21, 2008Magisip-isip ka muna…Para sa mga taong nanliligaw, nagbabalak manligaw, nililigawan, naliligaw, nag-iintay maligawan at nagbabalak lumagay sa gulo…
ang love ay hindi minamadali…hindi pinipilit…at lalong hindi kinakarir… aray ko!
UNA: PAANO MO BA NASABING MAHAL MO NA SIYA?!?
Dahil ba natutuwa ka sa kanya? o kaya naman naaaliw ka? Naswee-sweetan ka ba ng sobra sa kanya? Kinikilig ka ba pag nakikita mo siya? At naha-high kapag naririnig mo na ang boses niya?
eh teka muna…
Baka naman infatuated ka lang…o kaya naman kagaya nga ng sagot mo…BAKA naaaliw ka lang…dahil kakaiba siya…may spark na hindi mo maintindihan…
tsk tsk!! ang saklap nyan!
PANGALAWA: GAANO MO NA BA SIYA KAKILALA???!
Madali ba siyang mapikon? Paano ba siya mabadtrip? Madali bang mahalata kapag may topak siya? Ano ba ang madalas na isuot niya kapag nasa loob lang siya ng bahay? Short o pantaloon? Naka T_shirt ba siya o nakasando lang madalas? Gaano siya katagal maligo? Kumakain ba siya ng gulay? Tamad ba siya? Mas gusto niya ba ang manood ng tv kaysa magbasa? Ano ba ang tunay na pangalan niya? Ilan ba silang magkakapatid? Gaano ba kalaki ang pamilya niya? Ano ba ang kulay ng bubong ng bahay nila? Saan ba siya talaga nakatira? Alam mo bang puntahan? Nakatira ba siya kasama ang pamilya niya sa bahay na tinutuluyan niya? Malikot ba siya matulog? Alam mo ba kung kalian ang birthday niya? Ano ang mga paborito niya? Kulay, pagkain at kung ano-ano pa.
Sa madaling salita: Aalam mo ba ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya? Ang mga simpleng bagay na ginagawa niya? Alam mo ba talaga? Gaano mo ba siya kakilala?
PANGATLO: KAYA MO BA SIYANG TANGGAPIN???
as in TANGGAPIN ng buong-buo…sa lahat ng trip niya sa buhay…sa lahat ng katopakan niya…sa lahat ng pag-iinarte at pag-dadrama niya…sa lahat ng kasalanang nagawa, ginawa, at gagawin pa lang niya…sa lahat ng naiisip niya…sa lahat ng sasabihin niya…sa kilos niya…sa pananamit pa pala niya…sa pagsasalita…sa pananaw niya sa tao…sa lifestyle niya…sa uri ng pamilyang meron siya…sa uri ng kaibigang kasa-kasama niya…sa style niya pagdating sa love…sa kasweetan niyang natural…sa paglalambing niya…sa tawa niyang pagkalakas-lakas…sa manners niya…sa bisyo niya kung meron man…sa mga pang-aasar niya sayo…sa style niya pagdating sa pagsolve ng problema…sa problemang maaari ka ring masama…
PANG-APAT: KAYA MO BANG MAGING TOTOO???
kaya mo bang makita yung sarili mo na kasama siya ha??!..sa isang sitwasyong pag naisip mo eh, napapaiyak ka na lang sa sakit nang dahil din sa kanya??!..kaya mo bang magmukhang tanga..as in umiyak ng dahil sa kababawan…ibuhos ang mga nararamdaman mo…kahit na puro kababawan nga lang naman…as in kahit sa harapan niya??!kaya mo bang maging barubal pag kasama mo siya??!yung tipo bang wala ka ng pakialam…mawala man ang manners mo…na wala ka naman talaga… LOL! JOKE!
in short…
KAYA MO BANG MAGING IKAW KAPAG KASAMA MO
NA SIYA??!
yung tipong hindi ka nahihiyang ipakita kung sino ka talaga…dahil alam mong…
HINDI MO LANG SIYA TANGGAP…
TANGGAP KA RIN NIYA…
BUONG-BUO RIN…
MGA TAO!!!
tama na kasi ang trip…tama na ang pagmamadali…OO! masarap ngang mainvolve sa isang tao…pero diba mas masarap yun…
LALO NA KUNG ALAM MONG TOTOO YUNG
NARARAMDAMAN MO…
kaya dapat, hindi tayo nagpapabulag sa akala nating LOVE…mag-antay na lang tayo…wag natin unahan…for all we know, ne pa pala siya angpara sa atin…
pero pag nasagot mo lahat ng nasa taas…
baka nga mahal mo na siya…








